Pilipinas: Suportahan ang mga nagwewelgang manggagawa sa Kawasaki Motors
![]() |
Nagsimula ang welga ng Kawasaki United Labor Union sa Kawasaki Motors Philippines noong 21 Mayo 2025, pagkatapos ng halos isang taon na nabibigong negosasyon at panliligalig ng kumpanya. Sa umpisa, nag-alok ang management ng 7% na dagdag sahod at 21 na benepisyo, ngunit kalaunan ay binawi ng management ang mga ito. Binabaan nila sa 5% na lang ang dagdag sahod, at ang benepisyo sa lima. Ang binabanggit na dahilan ay ang pagkalugi ng benta at iba pang mga aspeto sa negosyo. Binabaan ng unyon ang posisyon nito sa pagtaas ng sahod mula 11.5% papunta 10.5%, ngunit hindi ito tinaggap ng management. Sa halip, ibinaba pa nila ang posisyon nila sa 5%. Sa layuning sirain ang unyon, nagsampa ng mga legal na kaso ang kumpanya laban sa mga lider ng unyon, na sinasabing ilegal ang welga. Ang mga kasong ito ay ngayong binabasura ng unyon sa korte. Pagkatapos ng higit tatlong buwan sa welga, tumatanggi pa rin ang management na ipagpatuloy ang mga negosasyong na may mabuting layunin.


