Pilipinas: Sabihin sa DHL, itigil ang unyon-busting!
![]() | Isinusulong ito kasama ang tulong ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), isa sa mga pambansang unyon sa Pilipinas na tagapamandila ng social movement unionism. Ang SENTRO ay kumakatawan sa halos higit 85,000 na mga manggagawa mula sa pribado at pampublikong sektor, kasama rin ang mga manggagawa sa impormal na ekonomiya. Pinagkakaisa ng SENTRO ang mga manggagawa sa pakikibaka para sa disenteng trabaho, karapatang paggawa, at hustisyang panlipunan. Sila ay kaanib ng International Trade Union Confederation (ITUC) — Pandaigdigang Konpederasyon ng mga Unyon ng mga Manggagawa. |
Sa hangarin na tugunan ang matagal nang mga hinaing nang mababang sahod at wage theft, ang mga mangaggawa sa Sucat Warehouse ng DHL Supply Chain sa Muntinlupa ay nag-organisa ng unyon at nanalo ng certification election noong Mayo 29, 2026. Sa halip na harapin ang unyon sa negosasyon, ibinalita ng management ang pagsasara ng warehouse, sa kadahilanang hindi nagkaroon ng panibagong kontrata kasama ang supermarket-chain. Tiyak na ito ay union busting, lalo na at nagdeklara ang DHL sa bago matapos ang 2025 na nakakuha ito ng tatlong taong kontrata na supermarket-chain. Sapagkat walang mga negosasyon na naganap para sa CBA at nanganganib ang kanilang seguridad sa trabaho, naglunsad ang mga manggagawa ng welga noong Agosto 17. Hinihiling ng unyon ang pagsang-ayon ng DHL sa CBA at magkaroon ng garantiya sa trabaho kung sakaling magbubukas muli ang Sucat Warehouse.

