Taiwan: Union busting sa TaiDoc, TIGILAN!

Kasama ang IndustriALL Global Union, ang Republic of China Metalworkers' Union (ROCMU) at Taidoc Technology Labor Union (TTLU). Ang IndustriALL Global Union ay binubuo ng 550 kasaping mga unyon na kumakatawan sa 50 milyong manggagawa mula sa 130 bansa sa mga sektor ng pagmimina, enerhiya, at manufacturing kabilang ang industriya ng metal, electronics, at medical equipments. Ang Republic of China Metalworkers' Union (ROCMU) ay isang pambansang unyon sa Taiwan na kasapi ng IndustriALL na nag-oorganisa ng mga manggagawa sa sektor ng metal, ICT, electronics, at medical equipments. Ang Taidoc Technology Labor Union (TTLU) ay isang demokratiko at samahan ng mga manggagawa na malaya, at pinamumunuan ng mga migranteng manggagawa sa Taidoc Technology Co., Ltd., isang``malaking pagawaan ng medical equipments sa Lungsod ng New Taipei, Taiwan

Ang mga Pilipinang migranteng manggagawa sa TaiDoc Technology Corporation, isang kompanya ng medical equipment na nakabase sa Taiwan, R.O.C., ay nakaranas ng diskriminasyon, sapilitang pagtatrabaho, at union-
busting. Bilang tugon, nag-organisa sila ng unyon. Pinigilan ng kompanya ang galaw ng mga manggagawa at pinilit silang magsagawa ng paglilinis ng walang bayad bilang parusa sa pag-uwi ng leyt sa kanilang mga hostel. Madalas ding pinipilit ng namamahala sa pagawaan ang mga manggagawa sa mga palihim na pulong na umalis sa unyon, pagpapapirma sa ibang manggagawa ng affidavit o deklarasyon na hindi sila miyembro ng unyon, at magsagawa ng nakakatakot na sitwasyon sa production floor. Tinanggal nila ang presidente ng unyon noong ika-6 ng Pebrero 2026, limang opisyal na Pilipino at isang pang miyembro noong ika-10 Pebrero 2026, at pinakilos ang ibang empleyado para ilegal na sakupin ang unyon.
Noong Mayo, ang Ministry of Labour ng Taiwan, sa pamamagitan ng Unfair Labor Practice Committee nito, ay nagpasya na iligal ang pagtanggal sa anim na lider at isang miyembro ng unyon, walang bisa, at nag-utos ng kanilang pagbabalik sa trabaho at pagbabayad ng back wages. Sa kabila nito, patuloy ang kumpanya sa paturing na ng pagbabalik sa kanilang trabaho ay pansamantala lang at iginiit na maghihintay muna sa desisyon ng korte. Patuloy pa rin ang kumpanya sa pagsasampa ng mga kasong sibil at kriminal laban sa mga lider ng unyon at tumanggi itong bayaran ang back wages para sa hindi nabayarang paglilinis. Ang mga manggagawa ay miyembro ng Taidoc Technology Labour Union (TTLU) at ng Republic of China Metalworkers' Union (ROCMU).

Panoorin ang video: Taidoc Union President Pinatalsik ~~ Mga Manggagawa


Makakatulong ka! I-type mo ang pangalan at email address mo, at i-click ang Ipadala ang Mensahe sa baba ng pahina.

Pangalan:
[kailangang sagutan]
Email address:
[kailangang sagutan]
Unyon/organisasyon ninyo:
Bansa mo:
I-type ang mensahe mo dito o gamitin na lang ang naihandang mensahe.


Stop spam!
Enter the number 5844 here:

Thank you


Kung gusto mong makatanggap ng urgent action alerts mula sa amin, pakilagyan ng tsek ang kahon:

Yes :
No :







Ipapadala ang mensahe mo sa mga sumusunod na email addresses:
sam.huang@taidoc.com.tw, salina@taidoc.com.tw, investor@taidoc.com.tw, sunhan.team@mol.gov.tw, ttlu.union@gmail.com